MANILA, Philippines – Umabot sa 32 mga wanted at kawatan ang naaresto ng Quezon City police sa patuloy ng kampanya laban sa kriminalidad sa naturang lunsod,
Sa report ni QCPD Director P/Chief Supt. Edgardo G. Tinio, unang naaresto ng mga operatiba ng Oplan Lambat- Sibat ng Masambong Police Station 2, Laloma Police Station 1 , Novaliches Police Station 4 at Cubao Police Station 7 ang 15 kataong wanted at may kasong paglabag sa Drugs Law.
Nakumpiska sa mga suspek ang sampung heat-sealed plastic sachets ng shabu at illegal drug paraphernalia.
Kasabay nito, nahuli rin ng mga tauhan ng Police Station ng Novaliches (PS-4), Fairview (PS-5), at Batasan (PS-6) ang limang wanted katao na may standing arrest warrants habang siyam na iba pa ang arestado sa paglabag sa special laws at City weapons.
Naaresto naman ng Police Station 2 sa Masambong ang tatlong magnanakaw.
Kaugnay nito, anim na nakaw na motorsiklo naman ang na –impound ng QC police at isinailalim sa verification ng Land Transportation Office (LTO).
Ang mga arestadong wanted persons ay nakapiit ngayon sa mga nasabing himpilan ng pulisya sa Quezon City makaraang sampahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Prosecutors Office.