Inakala ng Nanay na tubig 1-anyos patay, kapatid kritikal sa nainom na silver cleaner

Inakala ng Nanay na tubig 1-anyos patay sa silver cleaner

MANILA, Philippines – Patay ang isang taong gulang na batang babae habang nasa kritikal naman na kondisyon ang nakakatanda nitong kapatid matapos painumin ng kanilang ina ng silver cleaning solution na napagkamalang tubig, kamakalawa sa Muntinlupa City.

Dead-on-arrival sa Mun-tinlupa Medical Center si Maryland Dio habang nilalapatan naman ng lunas sa naturang ospital ang kapatid nitong si Riyanna, 3-anyos, ng  Esporlas Itaas St., Brgy. Putatan ng naturang lungsod.

Ayon sa report na natanggap ni Senior Supt. Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente alas-10:00 ng umaga sa naturang lugar.

Bago ang insidente, bumili ang tatay ng mga biktima na si Reyland Dio, 29 ng silver cleaning solution at inilagay ito sa isang bote ng sofdrinks kung saan ang na-turang kemikal ay naisama nito sa groceries at sanda-ling iniwan nito sa sahig at lumabas ng bahay.

Pagbalik nito ng bahay  ay nakita na nitong nagsusuka  na ang kanyang mga anak.

Dito nalaman na kumain ng rambutan ang mga biktima at sa pag-aakala ng ina ng mga bata na si Maris Arizo, 19 ay nabulunan ang mga ito kung kaya’t ibinigay nito ang bote ng softdrinks,  na sa pag-aakalang naglalaman ng tubig.

Subalit ang nainom pala ng mga biktima ay silver cleaning solution na binili ng tatay na si Reyland.

Halos mataranta ang mag-live-in at dali-dali nilang isinugod ang kanilang dalawang anak sa naturang pagamutan, subalit si Maryland ay hindi na umabot ng buhay.

Inihahanda na ng pulis- ya ang kasong parricide laban sa ina ng mga bata na si Arizo.

Show comments