MANILA, Philippines - Simula umano sa Nobyembre 1, sisimulan nang walisin ng Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) at Philippine National Police, Highway Patrol Group (PNP-HPG), simula sa Nobyembre 1 ng taong kasalukuyan ang lahat ng ambulant vendors at mangangaroling sa kahabaan ng EDSA.
Sa pagpupulong ng MMDA, PNP-HPG at lokal na pamahalaan, napagkasunduan ang mahigpit na pagbabawal sa mga ambulant vendor, tulad ng mga nagtitinda ng sigarilyo, kendi, dyaryo, pagkain at kung anu-ano pa sa kahabaan ng EDSA.
Bukod sa huhulihin sila ay kukumpiskahin ng MMDA at PNP-HPG ang kanilang mga paninda.
Hindi lamang ang mga nagkalat na ambulant vendor ang tututukan, huhulihin din nila ang mga magka-carolling sa kahabaan ng EDSA lalu’t nalalapit na ang Kapaskuhan.
Gayundin, hindi rin nila papayagang magtinda ang mga ito sa mga overpass at underpass.
Ayon sa MMDA, matagal ng ipinagbabawal na magtinda o mag-carolling sa mga highways lalu na sa EDSA, dahil sa magi-ging dulot ito ng peligro sa kanilang buhay.
Subalit maraming mga pasaway at matitigas na ulong mga vendor ang luma-labag dito, kung kaya’t simula sa Nobyembre 1 ay mas seseryosohin ng PNP-HPG at MMDA ang pagpapatu-pad nito, kung saan hindi nila sasantuhing hulihin at kumpiskahin ang mga paninda ng mga pasaway na ambulant vendors.
Napagkasunduan din sa pulong, na hanggang sa Hunyo 30, 2016 mananatili ang PNP-HPG sa kahabaan ng EDSA.