Ginang patay sa tren ng PNR

STAR/ File photo

MANILA, Philippines - Hindi na umabot pang buhay sa Jose Reyes Me­­morial Medical Center (JRMMC) ang isang ginang matapos mabagok ang ulo nang masagi ng tren, sa Sampaloc, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Tumanggi nang magpa-imbestiga ang pamilya ng biktimang si Corazon Zabarillo, ng  Antipolo St., Sta. Cruz, Maynila. 

Sa ulat ni SPO1 Rodrigo Bolutate Jr., Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-3:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa riles ng Phi-lippine National Railways (PNR) sa bahagi ng Dimasalang St., Sampaloc.

Sa nakalap na impormasyon ng mga awtoridad, kahit pumipitada umano ang paparating na tren na may body no. MSL1900 ay mistulang balewala sa biktima na naglalakad umanong tila wala sa sarili hanggang sa madaanan ito at masagi na bumagok ang ulo nang tumumba.

Show comments