MANILA, Philippines – Sisimulan na ngayong araw na ito (Oct. 21), ng Maynilad Waters ang road re-blocking at restoration sa kahabaan ng EDSA sa kanto ng C.Jose sa Malibay, Pasay City kayat asahan na ang masikip na daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar.
Ayon sa Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang re-blocking ay dulot ng gagawing repair sa nag-leak na 150mm-diameter pipeline sa lugar.
Mula ngayong Miyerkules hanggang sa Huwebes October 22, 3 sa 5 north-bound lanes sa Edsa ay sarado sa mga motorista mula alas- 11 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling-araw.
Bukas naman ang lugar na ito sa araw para sa mga motorista. Tatakpan na lamang ng steel plates ang lugar na inaayos para madaanan ng mga motorista.
Gayunman, sa October 23 (Friday midnight), 2 sa 3 lanes ay isasara din sa trapiko para sa 24 hours road restoration. Kinabukasan naman October 24 (Sabado ng hatinggabi), ang 2 lanes ay bukas na sa trapiko habang ang 3rd lane ay sarado sa trapiko para sa 24 hours road restoration.
Sa Lunes, October 26, tapus na ang road restoration activities ng Maynilad kayat sa araw na ito ay bukas na sa mga motorista ang 5 lanes sa nabanggit na lugar.