MANILA, Philippines – Patay ang isang mister at tatlo pa ang nasugatan matapos mag-amok ang isang lasing na taho vendor, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Dead-on-arrival sa Parañaque City Doctors Hospital ang biktimang si Erwin Lagonday, 27, ng Malacañang Dulo, Brgy. Don Bosco ng naturang lungsod, sanhi ng tinamong ilang saksak sa iba’t ibang baha-gi ng katawan.
Kinilala naman ang mga sugatan na sina Al-vin Dayle, 26; Piolo Placios, 16, at Leo Vincent Estrada, 20.
Nakakulong naman sa Parañaque City Police detention cell ang suspek na si Teoderico Algas, 51, isang taho vendor, nakatira sa naturang lugar.
Sa ulat na natanggap ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente alas-7:00 ng gabi.
Bago ang insidente, nakipag-inuman muna ang suspek sa ilang kaibigan nito at dahil sa sobrang kalasingan ay nagsimula na itong magwala na nang makahagilap ng patalim ay dito na nag-amok.
Bawat makakalasalubong umano nito ay hinahabol ng saksak hanggang sa maabutan nito ang apat na biktima, na ikinasawi ni Lagonday.
Agad namang nakaresponde ang pulisya kung saan nadakip ang suspect.