MANILA, Philippines - Ìsang barangay tanod ang natagpuan na lang ng kasamahang walang buhay habang tadtad ng tama ng bala sa isang bangketa sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng pulisya, ang biktimang si Roberto Fernandez, 37, miyembro ng Brgy. Public Safety Office (BPSO) at residente sa #14 Katarungan St. Brgy. Batasan Hills sa lungsod.
Blangko naman si PO1 Marlon dela Vega, imbestigador sa kaso sa pagkakakilanlan ng salarin dahil itinawag lamang anya ang insidente at walang nakakita sa pamamaril.
Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Congressional Ave. Brgy. Batasan hills, ganap na alas 2 ng madaling araw.
Bago ito, sinasabing nagpapatrulya ang mga tanod sa pangunguna ni Gil Palma nang lapitan sila ng isang residente at ipaalam na may nakita silang lalaki na duguan nakasalampak sa bangketa sa nasabing lugar.
Sinasabing kasama ng mga tanod ang biktima na naka-duty kaya’y nagtataka rin sila kung papaano ito nabaril
Gayunman, nagawa pa nilang itakbo ang biktima sa East Avenue Medical Center pero idineklara rin itong dead-on-arrval dahil sa mga tama ng bala sa kanyang katawan.