Masahista nang-rape ng paslit, timbog

MANILA, Philippines – Isang Grade 1 pupil ang inabuso ng isang massage therapist habang nanonood ng bold movie, sa loob ng kanilang bahay, nang samantalahin ang nakaidlip na ina at boyfriend nito sa sa Sta.Mesa, Maynila kahapon ng madaling araw.

Nakapiit na sa Manila Police District-Women and Children Protection Unit ang suspek na naaresto ng mga barangay tanod na si Jayson Baylon, 39, may-asawa at residente ng no. 3992 Interior 6 R.M. Boulevard, Sta. Mesa, Maynila.

Kasama ng biktimang itinago sa panga­­lang Angel, 10, ang inang si Carmen Garcia, 39, ng Brgy. 593, Zone 58, District 6, nang pormal na magharap ng reklamo sa pulisya.

Salaysay ng ina, nanonood sila ng DVD bagamat aminado na isang malaswang pelikula, kasama ang boyfriend na si Fernandes Caliste nang sila ay antukin at makatulog kaya hindi namalayan na pinasok ang kanilang bahay ng suspek dakong alas 4:00 ng madaling-araw.

Kuwento sa kaniya ng anak, ipinasok ng suspek ang kaniyang daliri sa ari ng biktima kaya tinadyakan niya ito at natakot umano ang suspek sa pag-iingay ng biktima kaya mabilis ding lumabas ng bahay ang suspek.

Ginising aniya siya ng biktima at isinumbong ang ginawa ng suspek kaya dali-daling sinabi kay Caliste at lumabas sila ng bahay upang isuplong sa nakasasakop na barangay ang pangyayari at hanapin ang suspek.

Natunton ang suspek sa Guadalcanal St., kung saan siya inaresto ng mga barangay tanod.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act  8353 (Anti-Rape Law) in relation to R.A. 7610 o Child Abuse laban sa suspek .

Show comments