MANILA, Philippines – Dahil sa iba’t ibang kasong administratibo, umabot na sa 71 traffic enforcers ang sinipa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula Agosto 2010 hangang 2015.
“This is part of our regular efforts to cleanse our ranks. We will never tolerate any wrongdoing from our employees,” pahayag ni Tolentino na nakatakdang magbitiw sa puwesto upang paghandaan ang kaniyang pagtakbo bilang senador.
Sinibak ang mga traffic enforcers dahil sa iba’t ibang reklamo tulad ng pangingikil, grave misconduct at gross neglect of duty.
Pinaalalahanan naman ni Tolentino ang kaniyang mga tauhan na maging disiplinado at maging magandang halimbawa sa publiko.
"As law enforcers, particularly those enforcing road rules and regulations, they should have the moral ascendancy to implement such standards," sabi ni Tolentino.
Nagbabala din ang MMDA chair sa mga patuloy na mang-aabuso sa kanilang trabaho na sisibakin oras na mapatunayan ang mga haharaping paratang.
“Let this serve as a serious warning to all our erring personnel. We will continue to eliminate the rotten eggs from our agency.”