Bagets na holdaper, utas

MANILA, Philippines - Patay ang isang tinedyer na lalaki na sangkot sa insidente ng panghoholdap makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Robert Cruz, 18, binata, at residente ng Judge Jose Oreta Street, Brgy. Tonsuya, ng natu­rang lungsod.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang pamamaril dakong ala- 1:20 ng madaling araw sa may C. Perez St., ng naturang barangay.

Nabatid na sakay ng bisikleta ang biktima nang harangin ng mga salarin at pagbabarilin hanggang sa masawi. Rumesponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct 8 ngunit bigo na maabutan ang mga salarin.

Sa imbestigasyon, si­nabi ng kaanak ni Cruz na sangkot sa insidente ng panghoholdap ang biktima at may dinadaluhan pang pagdinig ng kaso sa piskalya.

 

Show comments