Valenzuela fire: 100 bahay natupok

May 100 bahay ang natupok ng apoy sa malaking sunog na naganap na naman sa Valenzuela City kahapon. Michael Varcas

MANILA, Philippines – Aabot sa 100 kabahayan ang natupok sa isang lugar sa squatter area sa Valenzuela City sa sunog na naganap, kahapon ng umaga.

Dakong alas-10 ng umaga nang unang maiulat ang pagsiklab ng apoy sa may Abalos Street, Brgy. Marulas, ng naturang lungsod.

Agad na umakyat ang alarma   sa Task Force Alpha na nirespondehan ng higit sa 20 trak ng bumbero. Dulot ito ng mabilis na pagkalat ng apoy dahil sa pawang yari sa light materials ang kabahayan sa lugar.

Dakong alas-11:14 ng tanghali nang ilagay sa “fire under­ control” ang sunog. Isang hindi pa nakikilalang resi­dente ang nasugatan sa insidente habang wala namang naiulat na nasaktan.

Patuloy namang inaalam ang pinagmulan ng apoy habang pansamantalang inilikas sa pinakamalapit na basketball court ang mga nabiktimang pamilya.

Show comments