Pekeng baril nakasukbit, mayabang binaunan ng bala

MANILA, Philippines – Patay ang isang 30-anyos na lalaki matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek na pinaniniwalaang  nayabangan  sa una na nagsukbit ng pekeng baril sa kanyang katawan` kamakalawa ng gabi sa Port Area, Manila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Vicente Morga alyas “Bay” tubong Leyte at naninirahan sa Blk.6 Baseco Compound, Port Area.

Mabilis namang nakatakas ang hindi pa nakilalang suspek na ayon sa report ni PO3 Noel Santiago kay SPO4 Richard Lumbad, Officer in Charge ng Manila Police District-Homicide Section matapos ang  pangyaring pamamaril dakong alas  9:00 ng gabi sa Blk. 15-A Habitat , Baseco Compound.

Ilang residente ang nakarinig ng putok sa lugar at nang kanilang puntahan ay nakita nila ang nakabulagtang bangkay ni  Morga na tadtad ng tama ng mga bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng  katawan.

Agad nilang kinordon ang lugar kung saan nakabulagta si Morga na naliligo sa dugo at tadtad ng tama ng bala sa katawan.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-7 ng gabi habang nakikipag-inu­man sa ilan nitong kaibigan.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, posible umanong na­yabangan ang suspek sa biktima na may nakasukbit na  baril hanggang sa madiskubre ng awtoridad na peke lamang ito.

Show comments