Bugaw itinumba

MANILA, Philippines – Utas ang isang babae na kilala umanong bugaw sa lungsod ng Caloocan makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng umaga.

Nakilala lamang ang na­sawi sa alyas  na Ledy, nasa pagitan ng edad 25-30 at nangungupahan sa isa sa mga silid sa dating gusali ng International Cabaret sa 3rd Avenue, Caloocan.

Sa inisyal na ulat, naganap ang pamamaril dakong alas- 7 ng umaga sa tapat ng naturang gusali. Kabababa lamang umano ng biktima sa hagdan nang agad itong pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin.

Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala sa ulo at katawan sanhi ng agad nitong kamatayan. Agad namang nakatakas ang salarin.

Napag-alaman na kila­lang bugaw ng mga babaeng bayaran sa kanilang lugar ang biktima at gumagamit rin umano ng iligal na droga.

Show comments