MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ngayong araw na ito (September 22) ng rollback ang ilang kompanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo.
Ang pagpapatupad ng bawas presyo ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, kung saan bumaba ng P0.35 kada litro ng kanilang gas, ang krudo naman ay bumaba ng P0.50 kada litro at ang kerosene ay bumaba naman ng P0.45 kada litro.
Ayon sa Pilipinas Shell, ala-1:00 ng madaling araw naging epektibo ang rollback sa kanilang mga produkto.
Asahan na ring susunod na mag-aanunsiyo ng rollback ang iba pang oil companies na may kaparehong halaga.
Ang bawas presyo ay bunsod nang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Matatandaan, na noong nakaraang linggo (September 15) huling nagpatupad ng oil price hike sa kanilang gas ang ilang oil companies, samantalang wala namang paggalaw sa presyo sa kanilang kerosene at krudo.