MANILA, Philippines – Binaril sa ulo hanggang sa mamatay ang isang lalaki ng hindi pa kilalang suspek kahapon sa Pasay City.?
Inaalam pa ng Pasay City Police ang pagkakakilanlan ng biktima, na may katamtaman ang pangangatawan, naka-tsinelas ng balat, naka-t-shirt at nakasuot ng short pants, nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa sentido. Na-recover sa pitaka ng biktima ang halagang P50, mga barya, Philhealth ID na sa pangalan ni Zandra Timan Maguid, School ID na nasa pangalan naman ni Jaen Althea M. Chio, ng Sunflower Day Care Center na matatagpuan Poblacion, Pikit, Cotabato at Palawan Express Remittance Form na nasa pangalan ni Dennis Mark Chio. Blanko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente. Ayon sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:15 ng hapon sa panulukan ng Cesna Riverside, Brgy. 190, Zone-20 ng nabanggit na siyudad.?
Ayon sa ilang residente, nakarinig sila ng putok ng baril at nang kanila itong tingnan ay nakita nila ang biktima, na duguang nakahandusay at wala na itong buhay.?
Dahilan upang ipagbigay alam sa pulisya ang insidente at masusi pa itong iniimbestigahan. Ang labi ng biktima ay nakalagak ngayon sa Rizal Funeral Homes.