MANILA, Philippines - Upang mabawasan ang malalang daloy ng trapiko, nagdeploy na rin ng mga traffic enforcers ang PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa kahabaan ng Ortigas Avenue sa San Juan matapos na matukoy na isa ito sa sanhi ng malalang daloy ng trapiko sa EDSA .
Ayon kay PNP-HPG Spokesman Supt. Oliver Tanseco ang deployment ng PNP –HPG personnel sa kahabaan ng Ortigas Avenue ay matapos ang pagbisita sa Camp Crame ni Secretary to the Cabinet Jose Almendras.
Ang Ortigas Avenue ay tumatawid din sa EDSA at isa sa mga pangunahing highway na may matin-ding daloy ng trapiko ba-gaman hindi ito kabilang sa idineklarang anim na chokepoints.
“There are areas which are not in EDSA, but we need to make sure traffic coming from EDSA are clear, roads going out or going into EDSA clear, so our vehicles can move out of EDSA,” pahayag ni Tanseco.
Ang anim na chokepoints sa EDSA ay kinabi-bilangan ng Balintawak, North Avenue, Cubao; pawang sa Quezon City; Shaw Boulevard sa Mandaluyong City; Guadalupe sa Makati City at Taft Avenue sa Rotonda, Pasay City.
“As the secretary has said, the HPG can apprehend even within two kilo-meters of EDSA, that is why there are vehicles which are not on EDSA but coming from Edsa and you’re not following traffic rules, there is a traffic buildup on EDSA,” ayon pa sa opisyal.
Aminado naman si Tanseco na isang malaking hamon sa PNP-HPG ang pagsasa-ayos ng trapiko sa kahabaan ng 23 kilometrong EDSA na dating nasa hurisdiksyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Samantalang sa malalakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng thunderstorm nitong mga nakalipas na araw ay nakapagpalala pa sa trapiko sa EDSA sanhi ng mga pagbaha.
Ayon pa kay Tanseco, ang trapiko sa kahabaan ng Ortigas Avenue ay sanhi ng mga behikulong nakapara-da sa entry at exit ng Dela Salle High School sa Greenhills, San Juan kung saan ay nangako si Almendras na bibigyan ito ng solusyon.
“Secretary Almendras said he’s going to talk to the school for them to help us manage traffic on EDSA, particularly on the vehicles that were parked on the entry and exits of the school,” ani Tanseco.
Idinagdag pa nito na hihilingin rin ng PNP-HPG ang tulong ng mga lokal na opisyal sa paglilinis sa sidewalks at iba pang nagiging sanhi ng malalang daloy ng trapiko sa EDSA kung saan kailangan ang tulong ng mga kinauukulan para mapagtagumpayan ang kanilang misyon.