Hapon tiklo sa drug bust sa Mandaluyong

MANILA, Philippines - Arestado ang isang Japanese national dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa lungsod ng Mandaluyong, ayon sa mga awtoridad.

Nakilala ang 43-anyos na suspek na si Masaki Hashimoto, ng 6F Carlton lll, California Square, Libertad Street, Barangay Highway Hills.

Nasakote si Hashimoto matapos pagbentahan mg dalawang gramo ng shabu ang isang undercover cop sa halagang P1,000.

Sinabi ni Eastern Police District director Senior Superintendent Elmer Jamias na inaalam nila sa  Japanese embassy kung miyembro ba si Hashimoto ng sindikatong Yakuza sa Japan.

Kasalukuyang nakakulong ngayon ang suspek sa Mandaluyong police detention cell.
 

Show comments