MANILA, Philippines – Kakaibang karanasan ang sinapit ng isang 19-anyos na survey girl ng Philippine Statistics Authority (PSA) nang pagkatok niya sa isang bahay para mag-census ay sinalubong siya ng residenteng Pakistani at kamuntk ng mahalay sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng umaga.
Dahil sa tulong umano ni Henry Bacay, barangay kagawad ng Brgy. 779, Zone 85, naaresto ang suspek na si Muhammad Safix, may-asawang Filipina at nakatira sa Dagonoy St. Sta.Ana, Maynila.
Naiturn-over ang suspect sa MPD-Women and Children’s Protection Unit kung saan pormal na naghain ng reklamo ang biktimang si Jaymalin Jamolin, contractual employee ng PSA at residente ng Punta Sta. Ana, Maynila.
“Kumatok po ako sa bahay nila para mag-census, tapos lumabas yung foreigner pala, agad akong hinatak paloob, tinanong niya ako sinabi niya are you still a virgin?, do you experience sex, tapos hinatak at hinawakan niya yong mga kamay ko sa braso at hita pati ulo ko kaya pumalag ako at nagtatakbo ako,” ayon sa biktima.
Unang tumakbo sa mga kasamahan ang biktima at nagtungo sa barangay.
Nabatid na nang tunguhin ng mga tauhan ng bara-ngay ang bahay ay doon nila natuklasana na lasing umano ang suspek at itinanggi niyang gagahasain ang biktima. Depensa pa nito, hinawakan niya ang ulo ng biktima upang i-bless.