MANILA, Philippines – Pinapurihan ng Konseho ng Maynila ang paglalahad ng saloobin ng grupong Iglesia Ni Cristo (INC) kasabay ng pagsasagawa ng mapayapang pagtitipon.
Sa resolution No. 325 na inihain ni 2nd District Councilor at Acting Presiding Officer Rolan Valeriano, sinabi nito na naipakita ng INC ang kanilang katatagan at pagkamahinahon sa kabila ng kontrobersiya na kinasasangkutan ng kanilang miyembro.
Nakasaad sa resolusyon na hindi nagpaapekto ang mga miyembro ng INC sa kabila ng umano’y ‘ special treatment’ ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng itiniwalag na INC minister.
Ayon kay Valeriano mas dapat na pinagtuunan ng pansin ng DOJ ang mga kaso ng Mamasapano at PDAF.
Ipinakita rin ng INC ang kanilang Constitutional Rights nang payapang isagawa ang rally sa Padre Faura, Edsa Shrine at ilang bahagi ng bansa.
Indikasyon lamang umano ito na maaaring ipahayag ang karaingan at pakikipaglaban sa mapayapang paraan tulad na rin ng ginawa ng INC.