1 patay, 1 sugatan motorsiklo lumipad mula Magallanes flyover

Crime scene tape

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang motorcycle rider ha­bang kritikal ang angkas nito nang mawalan ng kontrol at tuluyang malaglag sa Magallanes flyover sa Makati City kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Pasay City Ge-neral Hospital ang hindi pa nakikilalang biktima matapos mabagok ang ulo sa semento at pinsalang tinamo sa katawan habang nilalapatan naman ng lunas sa Ospital ng Makati ang kasamahan nito.

Base sa inisyal na ulat buhat sa Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) Metro Base, dakong ala-1:10 ng hapon nang maganap ang insi-dente sa northbound lane ng Magallanes Flyover sa Brgy. Bangkal, Makati City.

Nabatid na binabagtas ng mga biktima ang EDSA Magallanes flyover hanggang sa mawalan ng kontrol at bumangga sa gutter.  Dahil sa malakas ang pagkasalpok ay tumilapon ang mga ito mula sa itaas hanggang mahulog sa may riles sa ibaba.

Kaagad naman naisugod ng mga nagrespon-deng MMDA rescue team ang mga biktima sa naturang mga ospital, subalit ang isa dito ay hindi na umabot ng buhay. Kapwa wala umanong nakuhang dokumento ng pagkakakilanlan sa dalawang biktima.

Nabatid na kapwa nakasuot ng helmet ang mga biktima ngunit dahil sa pagkakahulog ay natanggal rin.

Patuloy pa rin ang isi- nasagawang imbestigas-yon ukol dito.

Show comments