MANILA, Philippines - Sinimulan na kahapon ang pag-aasembol ng prototype train ng Metro Rail Transit (MRT). Dakong alas-9:00 ng umaga nang simulan ang pagbuo sa mga bahagi ng tren, na inobserbahan ng mga opisyal ng MRT-3 at ng Department of Transportation and Communications (DOTC), maging ng mga miyembro ng media.
Matapos ito ay isasailalim sa mga pagsusuri ang prototype tren bago ito tuluyang payagang mag-operate. Ayon kay DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, ang nasabing mga tren ay gawa ng Dalian Locomotive, at gumagamit ng traction motors.
Sinabi ni Sec. Abaya, ang mga nasabing tren ay siyang solusyon sa madalas na problemang nararanasan sa MRT-3 hinggil sa palagiang pagkakaroon ng aberya sa biyahe.
Sa ngayon, aniya ay unti-unti ng dumarating sa bansa ang mga biniling 48 brand new trains sa bansang China.