MANILA, Philippines – Tatlong umano’y kubrador ng jueteng ang inaresto ng mga awtoridad makaraang maaktuhan na nagpapataya sa mga residente ng Pasig City kahapon ng umaga. Kinilala ni Eastern Police District Director Senior Supt. Elmer Jamias ang mga suspek na sina Raul Bucayan, Dolores Ogario, at Marlyn Beatriz na pawang nasa hustong gulang at residente ng Barangay Bagong Ilog, Pasig City. Nakuha sa tatlo ang ibat-ibang paraphernalia na ginagamit sa sugal na jueteng tulad ng puting papel na nakasulat ang kumbinasyon ng numero, ballpen at tatlong bag na may lamang P3,000 cash. Nakakulong ngayon ang tatlo sa Pasig City Police at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 1602. o illegal gambling.