MANILA, Philippines - Utas ang isang 35-anyos na lalaki nang barilin ng apat na beses sa dibdib ng hindi pa matukoy na salarin sa CM Recto Avenue, bahagi ng Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang biktimang si Anthony Canlapan.
Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-12:40 ng madaling araw nang matuklasan ang nakabulagtang biktima sa panulukan ng CM Recto Avenue at Carmen Planas.
Isang basyo ng bala ng di pa batid na kalibre ng baril ang narekober sa crime scene at nakita ang apat na tama ng bala sa dibdib ng biktima.
Blangko pa ang pulis-ya sa motibo sa krimen habang patuloy pa itong iniimbestigahan.