Lalaki patay sa rumaragasang motorsiklo sa Marikina

MANILA, Philippines – Utas ang isang 67-anyos na lalaki matapos mabangga ng motorsiklo sa lungsod ng Marikina ngayong Huwebes ng madaling araw.

Nakilala ang biktimang si Nicanor Angeles ng Kalbaryo Street sa Barangay Calumpang, Marikina City.

Ayon sa imbestigasyon, nag-jogging si Angeles sa kahabaan ng FVR Road malapit sa Marcos Bridge sa Barangay Barangka bandang 5:30 ng umaga nang masagasaan ng motorsiklo na minamaneho ni Christian Crisostomo.

Kaagad nasawi si Angeles dahil sa lakas ng pagtama ng motor ni Crisostomo.

Nahaharap sa kasong homicide ang suspek na residente ng San Mateo, Rizal.

 

Show comments