Ina inatado ng sariling anak

Crime scene sign

MANILA, Philippines – Isang 68-anyos na ginang ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang sariling anak sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang  biktimang si Esmeralda Soria, biyuda, ng #3773 Petchayan,  Purok 7,  Sitio 4, Bgy. 178 Camarin ng nasabing lungsod.

Nakakulong naman sa Caloocan City Police detention cell ang suspek  at anak ng  biktima na si Sherwin Soria “alyas Titing”, 34.

Ayon  sa report na natanggap ni Police Chief Inspector Ilustre Mendoza, hepe ng Station Investigation and Detective Branch (SIDMB) ng Caloocan City Police, alas-3:00 ng mada-ling araw nang pwersahang buksan ng ilang kaanak ng biktima ang kanyang bahay matapos makarinig ang mga ito ng sigaw mula sa nasawi na humihingi ng tulong.

Tumambad sa mga ito  ang duguang biktima na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at wala ng buhay.

Sa pahayag ni Mary Ann, 41 kay P03 Gomer Mappala, narinig niya ang  paghingi ng  tulong ng  kanyang ina kasabay ng pagmamakaawa na “Titing-Titing huwag ninyo akong patayin”. Ang  Titing  ay pa­layaw ng kanyang kapatid na si Sherwin.

Narekober ng pulis­ya  ang isang duguang kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit sa pagpaslang sa biktima gayundin ang ilang upos ng siga-rilyo at basag na salamin ng bintana na pinaniniwalaang dinaanan ng suspek.

Dahil sa pahayag ng saksi, agad na nagsaga­wa ng manhunt operation ang mga awtoridad sa pangunguna ni P/ Supt. Reydante Ariza  na nagre­sulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Inaalam naman nga-yon kung sinu-sino pa ang kasama ng suspek at may motibo sa pamamaslang.

Show comments