MANILA, Philippines - Naniniwala si Manila 3rd District Councilor Bernardito Ang na malaki ang maitutulong ng makabagong medical equipment na ibibigay sa Justice Jose Abad Santos Hospital sa Binondo, Maynila.
Ayon kay Ang, kailangan na mas maging hi-tech ang mga gamit sa ospital upang mabigyan ng maayos serbisyo ang mga Manilenyo na nasa ikatlong distrito ng Maynila.
Sinabi ni Ang na hindi nakailangan pang gumastos ng mahal upang malaman ang resulta ng kanilang medical laboratory.
Paliwanag naman ni Dr. Merle Sacdalan, director ng JJASGH, na mas madali ang pagsasagawa ng CT scan at X-ray sa mga pasyente bunsod na rin ng makabagong kagamitan na kanilang matatanggap.
Ang CT scan na Digital X-100 MA at GE Co. Digital 40 X-ray ay makapagbibigay ng mas komprehensibo at mabilis na resulta ng medical examination ng bawat pasyente.
Giit niya, ang CT scan ay 16 slices na nangangahulugan na bawat bahagi ng katawan ay masisilip ng machine upang mas maging konkreto ang pagsusuri.
Ayon kay Sacdalan, ang mga nasabing medical equipment ay donasyon mula sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industries, Inc. na pinamumunuan ni Angel Ngu.