3 magkakaibigan, patay sa kidlat

File photo

MANILA, Philippines - Tatlong binatilyo na pawang magkakaibigan ang halos sabay-sabay na nasawi makaraang tamaan ng kidlat habang masayang na­liligo sa Manila Bay sakop ng Baseco Compound sa Port Area, Manila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina William Calalas Huet, 13; MJ Toto Arigadas, 12 at  ang kanilang-kuya-kuyahan na si   Rodrigo Rial, 17 ,   pawang residente ng Block 15,  Baseco Compound, Port Area.

Sa inisyal na ulat ni Manila Police District-station 5 chief, P/Supt. Albert Barot, dakong alas- 5:00 ng hapon kamakalawa  nang madiskubre lamang ang insidente ng security guard na si Cerilo Malamig na siyang nagreport sa awtoridad nang makita sa pampang ang katawan ng mga biktima.

Isang 13-anyos din na survivor, na hindi na pina­ngalanan ang kasama sa paliligo ng mga biktima su­balit nakaalis ito sa tubig nang tumama ang kidlat.

Nangingitim ang ka­tawan at mistulang napuno ng tubig dahil halos lumolobo umano ang mga tiyan ng mga biktima nang matagpuan.

Show comments