Driver sugatan sa pasaherong holdaper

MANILA, Philippines – Ginagamot sa ospital ng Sampaloc ang isang 57-anyos na taxi driver nang barilin ng armadong holdaper na inakalang pasahero lamang sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling araw. Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa batok ang biktimang si Cruz Bayocot, ng no. 624 Nueve de Pebrero st., Mandalu­yong City. Sa ulat mula sa tanggapan ni Manila Police District-station 8 chief, P/Supt. Noicolas Pinon, ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Pureza St., Sta Mesa.

Sumakay umano ang suspek sa minamanehong taxi (TXZ 347) ng biktima sa Buendia Ave., Makati City at nagpahatid sa Pureza. Ilang sandali pa ay nagdeklara na ito ng holdap na pinalagan ng biktima kung kaya binaril ito sa batok.

Sa kabila na sugatan ay nakuha pa ng biktima na makalabas ng taxi ay humingi ng saklolo, na dito naman mabilis na tumakas ang suspect. Ilang residente sa lugar ang nagsugod sa biktima sa paga­mutan.

Show comments