Tatay utas sa anak

MANILA, Philippines - Tinarakan ng ice pick sa ulo at napatay ng isang 22-anyos na binata ang sarili niyang ama matapos ang kanilang pambubuno, kama­kalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Nalagutan ng buhay sa loob ng Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Resty Rafael, 40, heavy equipment operator, Apolonia St., Mapulang Lupa, ng naturang lungsod.

Nakatakas naman ang suspek na nakilalang si Richard Rafael, residente rin ng naturang lugar na nahaharap   ngayon sa kasong parricide.

Sa ulat, dakong ala-1 ng hapon nang mainitang magtalo ang mag-amang Rafael ukol sa isang insidente sangkot ang live-in partner ng suspek.

Nagbatuhan pa ang da­lawa ng bote ng softdrinks hanggang magpambuno. Dito nadaig ng  batang Rafael ang ama at nagawang masaksak ito sa noo gamit ang isang icepick.

Agad na tumakas ang suspek kasama ang kanyang live-in partner matapos ang krimen habang isang manhunt operations ang isinasagawa upang madakip ito.

Show comments