MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produkto ang ilang kompanya ng langis ngayong araw na ito (July 28).
Sa abiso kahapon ng Petron at Flying V, bumaba ng P0.70 kada litro ang kanilang gasolina, P0.60 sa diesel habang P0.40 naman ang bawas sa presyo ng kerosene at epektibo ito ala-12:01 ng madaling-araw.
Ang pagbaba sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigan pamilihan.
Inaasahan naman na susunod na ring mag-anunsyo sa pagbaba sa presyo ng langis ang ilang pang kompanya ng langis, na may kahalintulad na halaga.
Nabatid na pang-anim na rollback na ngayon buwan ng Hulyo nagpatupad ang mga oil companies.
Magugunitang huling nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ay noong Hulyo 21 ng taong kasalukuyan.