Lola nilooban na, pinatay pa

File photo

MANILA, Philippines – Patay ang isang lola makaraang pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang salarin na nanloob sa kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktimang si Sally Torres, 64, ng Flovihomes 4, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Ma­labon City Police, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima dakong alas-6:08 ng gabi nang biglang pumasok ang suspect at pagsasaksakin ang matanda sanhi ng agad nitong kamatayan.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct 8 ngunit bigong maaresto ang salarin.  Dumating din ang mga ta­uhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at kumuha ng mga “latent prints” at iba pang ebidensya para sa posibleng pagkakaki­lanlan ng suspect.

Patuloy naman ang background investigation ng pulisya sa biktima upang mabatid kung may nakaaway ito na maaaring may motibo para paslangin siya o ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo.

Show comments