Brownout sa MM walang kinalaman sa power crisis – Meralco

MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng pamunuan Manila Electric Company (Meralco) na walang kinalaman sa nakaambang power crisis ang naganap na brownout o power interruptions sa maraming lugar sa Metro Manila at kalapit na
lalawigan.

Sa advisory ng Me­ralco, sinasabing ang na­ganap na brownout sa Pasig, Parañaque, Makati, Las Piñas, Maynila, Quezon City  at mga kalapit na probinsiya ay upang bigyang-daan ang ilang maintenance work na kinakailangang gawin upang mapaghusay pa ang ibinibigay nilang serbisyo sa publiko.

Iginiit ng Meralco na walang kinalaman sa ‘supply si­tuation’ ngayong summer ang naganap na pito hanggang walong oras na power inter­ ruption sa National Ca­pital Region (NCR) na ikina­dismaya ng publiko.

Una rito ay nagpaabiso na ang Meralco na magtataas sila ng singil sa kur­yente ngayong buwan ng Abril at Mayo dahil power crisis at pagsasara ng Malampaya Power Plant.

Sinasabing may mga naka­takda pang power interruptions sa mga su­sunod na araw, partikular sa ilang lugar sa Maynila na inaasahang mawawalan ng sup­lay ng kuryente ngayong araw na ito Marso 25.

Show comments