Parking fee sa mga mall, commercial establishment libre

MANILA, Philippines – Hindi na dapat pang maningil ng parking fees ang mga mall at commercial establishment sa Maynila sa kanilang mga customer.

Ito naman ang nakapaloob sa ordinansang inihain nina Manila 3rd District Councilors Joel Chua at Ernesto Isip, Jr. sa konseho ng Maynila.

Sa draft ordinance na ‘An Ordinance Regulating Parking Fees in All Commercial Establishments and Malls Located with the City of Manilla’ layon nito na gawing libre ang parking sa unang  anim na oras.

Sakaling umabot naman sa P500 ang halaga sa resibo ng pinamili, dapat na ilibre rin ang susunod na anim pang oras.

Posible namang makansela ang business permit ng establisimyento na hindi magpa­patupad ng ordinansa sakaling maipasa na ito ng  konseho. Kung maipapasa, ititigil ng mga malls ang paniningil sa pagpasok pa lamang ng mga sasakyan at sa halip ay gagawin ang  paniningil kung  lalabas na ang sasakyan.

Paliwanag ni Chua, ginagawa nang ne­gosyo ngayon ng mga malls ang kanilang parking­ area kung saan mismong ang mga mamimili ay wala nang puwesto sa parking.

Aniya, dapat na munang prayoridad ng mga malls ang kanilang mga customer.

Show comments