Dalaga binoga sa ulo, patay

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang dalaga makaraang barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa tapat ng bahay nito, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Nakilala ang biktima na si Ana Rose Borlaos, 21,  residente ng Pescador 2, Brgy. North Bay Boulevard North, ng naturang lungsod.

 Sa inisyal na ulat,  nakaistambay sa tapat ng kanyang bahay ang biktima dakong alas-2 ng hapon nang dumating ang hindi nakilalang salarin at agad na barilin ang una sa ulo. Mabilis itong tumakas matapos ang krimen.

Bigo naman ang pulisya na masakote ang suspek habang narekober sa lugar ng krimen ang isang slug at cartridge buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Patuloy din namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa naturang pamamaslang.

Show comments