MANILA, Philippines - Aberya ang sumalubong sa mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) matapos maantala ang operasyon nito ngayong Miyerkules ng umaga.
Nakakitaan ng biyak ang riles ng MRT sa pagitan ng Guadalupe at Boni northbound station bandang 5:45 kaninang umaga dahilan upang pansamantalang itigil ang operasyon.
Nalimitihan ang biyahe ng MRT mula Shaw Boulevard station hanggang North Avenue station at pabalik.
Kaagad inayos ang naturang riles at nilagyan ng fish clamp.
Bandang 6:15 ng umaga naibalik sa normal anh operasyon.
Dahil sa aberya, maraming pasahero ang naapektuhan, kung saan lalong humaba ang pila.
Nitong mga nakaraang linggo ay nilimitahan ang biyahe ng MRT sa maagang pagsasara tuwing Sabado ng gabi at tanghali na ng Linggo magbubukas upang bigyang daan ang pagkukumpuni ng mga riles.