Muslim leaders sa Taguig kontra sa BBL

Ang isinagawang peace at torch parade sa Maharlika Village sa Taguig City kasabay ng ika-40 araw matapos ang Mamasapano incident. Makikita naman si Taguig Mayor Lani Cayetano at Sultan Panangan Pangandaman na kapwa dumalo sa peace rally.

MANILA, Philippines – Naniniwala si Sultan Panangan Pangandaman ng Sultanate of Bandar Maharlika and leader of the Muslim Community Leaders Alliance  na hindi  sagot ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa mga problema sa Mindanao.

Kasabay  nito nagsagawa ng  peace rally at torch parade sa Maharlika Village sa Taguig City kamakailan, kaalinsabay ng ika-40 araw matapos ang Mamasapano incident.

Para kay Sultan Pangandaman ang solusyon sa problema sa Mindanao ay isama ng gobyerno sa usapan ang lahat ng grupo sa Mindanao.

“Sa BBL (Bangsamoro Basic Law), marami pa silang tatakbuhan, we know it was America that has pressure in Indonesia, Malaysia and the Philippine government. It will not stop war unless all participants, all groups of the good people of Mindanao are to be consulted. The Muslims are the people that respect everybody. I know there was no leader who can stand to unite the Muslims except those who believe that the righteous self determination must not be attached to anyone,” ani Pangandaman.

Nasa 5,000 Muslim at Kristiyano ang sama-samang lumahok sa pagkilos na ang panawagan ay ihinto ang giyera sa Mindanao.

Dumalo rin sa peace rally si Taguig Mayor Lani Cayetano na nagsabing kaisa siya ng Muslim community sa paghahanap ng mapayapang solusyon sa sitwasyon ng Mindanao.

Sinabi ni Mayor Lani na peace loving ang mga Muslim at iilan lamang naman sa mga ito ang nagbibigay ng hindi magandang imahe.

Naniniwala rin si Mayor Lani na kayang magkaisa ng Kristiyano at Muslim tulad ng umiiral ngayon sa lungsod.

Sinabi ni Mayor Lani na ilang Muslim ang gumaganap ng mahahalagang katungkulan sa lungsod ng Taguig katulad ni Chairman Yasser Pangandaman ng Brgy. Maharlika na tumatayo ring Liga ng mga Barangay president at si Kiram Pautin na siyang hepe ng Public Order.

Show comments