Mga babae, libre ngayon sa LRT at MRT

MANILA, Philippines – Magbibigay ng lib­reng sakay ngayong araw na ito (Linggo) para sa mga babae ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) bunsod ng pagdiriwang ng International Women’s Day.

Ayon kay LRT Autho­rity spokesman Atty. Hernando Cabrera, ti­na­­wag nilang “Libreng Sakay para kay Juana” ang programa para ipakita ang kahalagahan ng pagdiriwang ng araw ng kababaihan.

Sinabi ni Cabrera, ang libreng sakay ay magsisimula ng alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ang LRT-1 ang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Bacla­ran, habang ang LRT-2 naman­ ang nagdudugtong sa Santolan Pasig City at C.M. Recto sa Manila.

Ang MRT-3 naman ang nag-uugnay sa North Avenue, Quezon at Taft Avenue, Pasay City via EDSA.

Show comments