CR sa mga MRT station inaayos na

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang pagsasaayos ng mga palikuran ng bawat himpilan ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3), ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

"One of the basic necessities of an MRT-3 rider are functioning and decent comfort rooms. Alongside our improvement projects for train operations is this toilet rehabilitation project, which responds to the call of our commuters for better passenger comfort and convenience," pahayag ni DOTC spokesperson Migs Sagcal.

Umabot sa 63 palikuran ng MRT-3 mula sa 13 istasyon ang aayusin ng DOTC na inaasahang matatapos sa Setyembre.

Unang aayusin ang mga palikuran ng mga lalaki at may mga kapansanan na aabutin ng apat na buwan, at isusunod ang sa mga babae na tatagal ng tatlong buwan.

Nitong weekend lamang ay ipinatupad na ang bagong oras ng operasyon ng MRT upang magbigay daan sa pagsasaayos ng 150-metrong riles.

 

Show comments