Kargador utas sa resbak

MANILA, Philippines — Utas ang isang 35-anyos na kargador nang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin  habang nagpapahinga sa upuang kahoy  sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang  si Charlie Maiso, miyembro ng Batang City Jail at residente ng  Parola Compound, Binondo, Maynila ay binawian din ng buhay matapos isugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide dakong alas-5:30 ng umaga nang barilin ang biktima sa panulukan  ng Tabora St. at C.M Recto Avenue sakop ng Binondo.

Patuloy pang inaalam ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng gunman.

Show comments