MANILA, Philippines – Pilot area na ngayon ang Quezon City ng E-tricycle service operation na gumagamit ng latest mobility-cloud connecting system technology na ginawa ng information and communications technology vehicles venture company na nakabase sa Tokyo , Japan.
Ito ay makaraang lumagda sa isang memorandum of agreement si Mayor Herbert Bautista sa pagitan ng project partner, Global Mobility Service, Inc. President Tokushi Nakashima para sa pagpapatupad ng E-tricycle project sa lungsod. Nakiisa sa okasyon si Vice Mayor Joy Belmonte.
Dahil ang E-trikes ay may mobility-cloud connecting system, higit itong nakaka-access sa road worthiness ng sasakyan dahil ito ay may system features integrated monitoring, remote control at anti-theft system.
May limang e-trikes ang naunang pinatakbo ng GMS sa Barangay Central TODA mula nitong buwan ng Pebrero hanggang sa Abril para madetermina ang technical at economic viability ng sasakyan.
Ang GMS-developed E-tricycle ay maaaring magsakay ng 3 pasahero kasama na ang driver nito, may 1-1/2 hours para ma-recharge at may 3 oras na maaaring i-operate sa 30 kilometer na layo ng tatakbuhin.