Binatilyo patay sa pagtalon sa ika-6 palapag ng Makati parking

MANILA, Philippines – Winakasan ng isang 18-taong gulang na lalaki ang kanyang buhay sa pagtalon mula sa ika-6 na palapag ng car park building sa lungsod ng Makati ngayong Biyernes.

Nakilala ang nagpatiwakal na biktimang si Liam Matamba ng 57 San Gregorio Street, Magallanes Village.

Ayon sa mga pulis, kaagad isinugod si Matamba sa Makati Medical Center matapos lumundag mula sa ika-6 na palapag ng Dela Rosa Carpark building bandang 6:30 ng umaga.

Bandang ala-1 ng hapon biniwain ng buhay si Matamba na estudyante ng British School Manila sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente, habang hindi iniisantabi ang pagkakaroon ng foul play.
 

Show comments