3-anyos lasog sa SUV

MANILA, Philippines - Lasog ang isang 3-anyos na batang lalaki nang mahagip at masagasaan ng isang nag-overtake na sports utility vehicle sa Sampaloc­, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang si Julius Jacobe, ng Felipa St., Sampaloc, Maynila ay idineklarang dead on arrival sa United Doctors Me­dical Center (UDMC).

Sa inisyal na ulat ni PO2 Erickson Dacanay ng Manila Police District-station 4, dakong alas-4:00 ng hapon nitong Miyerkules nang naganap ang insidente sa panulukan ng Ilaw ng Nayon at Blumentritt Sts., sa Sampaloc, Maynila habang ang biktima  na akay-akay ng kanyang ina ay tumatawid sa may center island nang mahagip nang humaharurot na Izusu IPV WRX-396 na minamaneho ni Alfredo delos Santos, 51.

Bumagsak at gumulong ang bata na nasagasaan pa ng nasabing SUV.

Show comments