Lalaki itinumba dahil sa droga

MANILA, Philippines – Onsehan sa droga ang isa sa mga tinitignang motibo ng pagpatay sa isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Tondo, Manila.

Kinilala ni Supt. Jackson Tuliao, hepe ng  Manila Police District- Moriones Station ang  biktima na si Mark Evan Sebastian, 24, naninirahan sa Gate 12, Area B Parola Compound, Tondo, Manila.

Batay sa imbestigas­yon, naganap ang insi­dente dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa Gate 13, Area B Parola Compound.

Nabatid  na  nakatayo ang biktima sa may Gate 13 sa Parola nang lapitan ng hindi nakikilalang suspect at pagbabarilin ang una.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang mata at dibdib si Sebastian. Hinala ng pulisya posibleng may kinalaman sa droga ang pagpaslang dito.

Show comments