Mister pinabulagta ng tandem

MANILA, Philippines – Bulagta ang 35-anyos na mister matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay  sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Tala Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Virgilio Avelino ng Phase 4-G, Bagong Silang sa nasabing lungsod. Pinaghahanap ng mga operatiba ng pulisya ang mga suspek na  sina Joey Cadena at George Bandillo na kapwa nakatira sa nasabing lungsod. Sa pagsisiyasat ng Caloocan City PNP, naganap ang krimen bandang  alas-10 ng gabi sa tapat ng kanilang bahay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments