2 bomba natagpuan sa DOT

MANILA, Philippines – Dalawang sinaunang bomba ang natagpuan sa compound ng Department of Tourism sa Ermita, Maynila kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P/Senior Insp. Arnold Santos, hepe ng Manila Police District-Explosive and Ordnance Division, natagpuan ang dalawang bomba sa magkahiwalay na lugar sa nasabing lugar.

Nabatid na naghuhukay ang mga tauhan ng JBROS construction company sa courtyard ng DOT nang may matamaang matigas na bagay na natuklasang bomba.

Nakarekober din ang isa pang vintage bomb sa hinuhukay na lupa malapit sa power house sa loob din ng DOT compound. Nagsagawa naman ng render safe procedure ang grupo ni S/Insp. Santos sa dalawang bomba na sinasabing may kapasidad pang sumabog.

Show comments