Barangay kagawad lasog sa tren

Humandusay malapit sa riles ng PNR sa may Sta. Mesa Manila ang katawan ng brgy. kagawad na si Alberto Cadalo makaraang mahagip ng tren kahapon ng umaga. Edd Gumban

MANILA, Philippines – Isang barangay kagawad ang  nasawi matapos na mahagip ng tren kahapon ng umaga sa  Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay Chief Insp. Olivia Sagaysay, hepe ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit,  dakong alas-9:22 ng umaga nang mahagip ng tren ang biktimang si Alberto Cadalo, 77,  ng  Sta.Mesa, Maynila na napag-alaman na isang brgy. kagawad.

Nabatid na  patungong Tutuban ang  tren na nasa Altura-PNR Station nang biglang tumawid ang biktima.

Hindi umano narinig ng biktima ang  busina ng  tren na may body number na MSC-907  hanggang sa  mahagip ito.

Madalas umanong nakikita ang biktima na patawid-tawid sa lugar tuwing umaga subalit hindi nito napansin at narinig ang  pagdating ng tren sa riles kahapon.

Show comments