MANILA, Philippines - Patuloy ang pagbaba ng temperatura sa Metro Manila matapos itong bumagsak sa 18.1 degrees celsius ngayong Martes ng umaga.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ganap na 6:20 ng umaga naitala ang mababang temperatura sa kanilang Science Garden sa lungsod ng Quezon.
Kahapo ay bumaba sa 18.5 degrees celcius ang temperatura sa Metro Manila.
Samantala, 14.2 degrees celcius naman ANG temperatura sa summer capital ng bansa, ang Baguio City.
Bahagyang mas mataas ito kumpara sa naitala noong Enero 24 na 10.4 degrees celcius lamang.
Inaasahan na magpapatuloy ang mababang temperatura sa bansa hanggang sa unang dalawang linggo ng Pebrero.