Parak todas sa tandem

Sinisiyasat ng mga tauhan ng SOCO ang bangkay ng pulis na si PO3 Frederick Gracilla na pinagbabaril ng tandem sa Quezon City. STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis­ matapos pagba­barilin ng riding-in- tandem sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si PO3 Frederick Gracilla, 38, nakatalaga sa Quezon City Police Station 9.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Esteban Abada St., Loyola Heights, ganap na alas 11 ng umaga.

Sakay ang biktima ng kanyang motor­siklo, angkas ang isang kaanak nitong lalaki nang biglang sumulpot ang mga suspect at pagbabarilin ang biktima.

Nakaligtas naman sa insidente ang angkas ng biktima matapos makatakbo papalayo sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

Show comments