‘Tulak’ hulog sa bitag

MANILA, Philippines - Arestado ang isang  pinaniniwalang  big time drug pusher matapos na magsagawa ng  buy bust operation,  kamakalawa ng hapon sa Sta. Ana, Manila.

Kasong paglabag sa Republic Act  9165 Section 5 at 11 ,ang suspek na si Eric Gawat, 25, lider ng ‘Sigue Sigue Commando Gang’ at residente ng Medel St. sa  Sta. Ana.

Sa ulat ni P/Supt. Ro­bert. Domingo, Station Com­mander ng MPD-Sta. Ana Police Station 6 alas-2  ng hapon nang madakip sa inilatag na buy bust operation  ang suspek  ng  mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs  sa  panulukan ng Su­ter at Medel Sts. sa Sta. Ana.

Nabatid na bago naisagawa ang  operasyon, ibinunyag ng lima sa mga naging  kostumer ng  suspek ang  pakikipagtransakyon nito  sa   iba pang mga pushers at user.

Show comments