2 bugaw tiklo sa QC

File photo.

MANILA, Philippines – Walong menor de edad ang nailigtas ng mga awtoridad sa kamay ng dalawang bugaw sa lungsod ng Quezon kagabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Evelyn Tañega at James Mercado na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa anti-human trafficking law.

Nagpanggap na customer ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation upang makausap ang mga suspek.

Inaresto sina Tañega at Mercado matapos iabot ng NBI agents ang bayad.

Nailigtas ang mga biktima sa loob ng isang motel.

Nasa kustodiya muna pansamantala ng NBI ang walong menor de edad bago dalhin sa Department of Social Welfare and Development.

Show comments